TULOY ang imbestigasyon ng COMELECsa posibleng criminal liability ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bunsod ng paglabag sa election laws.
Inihayag ni COMELEC Chairman George Garcia na hindi maaapektuhan ng desisyon ng Office of the Ombudsman ang material misrepresentation case laban sa pinatalsik na alkalde.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Ipinaliwanag ng Poll Chief na ang kaso ni Guo sa Ombudsman ay administrative in nature, habang ang kinakaharap nito sa COMELEC ay Criminal Complaint.
Sakaling mapatunayang guilty si Guo sa misrepresentation charges, sinabi ni Garcia na posibleng makulong ang dismissed mayor ng isa hanggang anim na taon.
