TARGET ng COMELEC na matapos ang delivery ng 110,000 Automated Counting Machines (ACMs) sa Mayo uno, para sa Halalan 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, pagsapit ng April 30 ay dapat nasa opisina na ng mga mga treasurer ang mga balota habang ang mga makina ay nasa mga teacher na sa May 1.
Kahapon ay sinimulan ng poll body ang pagde-deploy ng official ballots at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa May 12 national and local elections.
Sinabi ni Garcia na inuna nila ang pagde-deliver ng mga balota sa malalayong lugar upang matiyak ang kahandaan ng mga ito bago ang final testing at sealing na magsisimula sa May 2 hanggang 8.
Ang mga ACM ay seselyuhan at ilalagay sa voting precincts pagkatapos testingin, at babantayan ito ng mga pulis at sundalo.