ISASAPUBLIKO ng COMELEC ang listahan ng mga contractor na nag-donate sa mga kandidato noong 2022 Elections, sa sandaling makumpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakakuha ang mga ito ng kontrata sa pamahalaan.
Sinabi ni COMELEC Chairperson George Garcia na hinihintay pa ng Poll Body ang Validation mula sa DPWH kung sinu-sino sa limampu’t apat na mga kontratista ang nakapag-secure ng Government Contracts.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Muling iginiit ni Garcia na hindi pinapayagan ang government contractors na pondohan ang kampanya ng mga kandidato sa eleksyon, dahil labag ito sa Omnibus Election Code. Kaugnay nito, inihayag ng poll chief na sa sandaling makumpirma na ang mga nag-donate na kontratista, maglalabas ang COMELEC ng Show Cause Orders para sa mga ito at sa mga kandidatong nakinabang mula sa donasyon.
