IGINIIT ng Armed Forces of the Philippines na walang “Ghost Projects” sa organisasyon.
Tugon ito ng AFP sa post sa Facebook ni Cavite Rep. Kiko Barzaga na mukhang natakot sa kaniyang ang AFP dahil nabuking niya ang 15 Billion Pesos Ghost Projects nito.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ng AFP sa isang pahayag direktang ini-release sa DPWH ang pondo para sa lahat ng proyekto sa ilalim ng Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad o TIKAS Program.
Ang papel ng AFP ay limitado lamang sa pagtukoy sa Infrastructure Requirements gaya ng pagtatayo ng Barracks, ospital, Training Facilities at Access Roads.
Habang ang DPWH na ang nangangasiwa sa Planning, Bidding, Construction at inspeksyon.
