IIMBESTIGAHAN ng COMELEC ang reports na apat na kandidato umano ang lumabag sa Campaigning Ban noong Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na nakatanggap ang poll body ng maraming sumbong mula sa netizens noong semana santa hinggil sa mga kandidato na umano’y ginamit ang kwaresma para isulong ang kanilang kandidatura, sa kabila ng mga babala mula sa komisyon.
ALSO READ:
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Idinagdag ni Garcia na maraming kandidato ang bumaling sa social media para maging visible pa rin kahit bawal ang mangampanya sa mga nabanggit na araw.
Samantala, inihayag din ng Poll Chief na iimbestigahan ngayong araw ang umano’y vote-buying incident sa Quezon City.