TATALAKAYIN ng Metro Manila Council (MMC) ang mga regulasyon sa spaghetti wires o sala-salabat na mga kable ng kuryente o telcos na nakabitin sa mga lansangan at pinangangambahang pagsimulan ng sunog sa mga komunidad.
Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na nagkasundo ang mga alkalde at mga kinatawan ng mga lungsod sa Metro Manila na makipag-ugnayan sa iba’t ibang telcos.
ALSO READ:
81.6 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Pasay City
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Ayon sa mga residente, karamihan sa mga kable ay mula sa telecommunications companies na patuloy na nakadaragdag sa bigat ng mga nakabitin sa poste.
Inihayag naman ng MERALCO na nasa koordinasyon ng lokal na pamahalaan, telcos, at cable companies ang pag-aayos ng mga kable na nakakoneka sa kanilang mga poste.
