25 April 2025
Calbayog City
National

National Flag Days, idaraos simula bukas hanggang June 12

HINIKAYAT ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan, ang publiko na makiisa sa sabayang flag ceremony sa buong bansa, bukas, May 28, sa ganap na ika-walo ng umaga.

Ang Simultaneous Flag Ceremony ay isasagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng national flag days na tatagal hanggang sa June 12 o Araw ng Kalayaan.

Hinimok din ang mga paaralan, opisina at iba pang mga establisimyento na makiisa sa sabayang pagtataas ng pambansang watawat at pag-awit ng Lupang Hinirang.

Ang umpisa ng flag days ay ipinagdiriwang tuwing Mayo a-bente otso, dahil ito ang araw nang itaas ang watawat ng Pilipinas matapos ang matagumpay na Battle of Alapan sa Cavite noong 1898.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *