BUMISITA si Dr. Won-Tae Shin, Regional Project Director ng Integrated Coastal Mangement sa ilalim ng Partnership Environmental Management for the Seas of East Asia (PEMSEA), sa Calbayog City para sa pagbabawas ng marine plastics sa mga karagatan sa East Asia.
Kasama ni Dr. Shin ang team mula sa University of the Philippines-Based AMH, isang consulting firm na nagsasagawa ng environmental studies, engineering designs at construction management na sumusuporta sa coastal development and protection.
Winelcome ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang mga bisita at nagpahanda ito ng tanghalian sa “Bukid ni Manang” sa Barangay Guinbaoyan Norte.
Ayon kay cswm Officer-in-Charge Jannett Obong-Cabujat, ang team ay magsasagawa ng consultative meetings sa iba’t ibang stakeholders, kabilang ang mga residente ng piling coastal barangays at data gathering sa plastic litter reduction.
Ito ang ikalawang pemsea-related visit kasunod ng naunang pulong ng ahensya sa Calbayog City Government noong Hunyo.