NAKAPAGTALA ang Philippine Coast Guard (PCG) ng insidente ng fish kill sa katubigan na sakop ng Barangay 61 sa Cavite City.
Ayon sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Cavite, mayorya sa mga nakitang patay na isda ay “tilapia”.
Agad namang iniulat ng coast guard ang insidente sa Local Government Unit (LGU) ng Cavite City at sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Nakapagsagawa na ng inspeksyon ang BFAR sa lugar at kumulekta ng water sample para matukoy ang dahilan ng fish kill.
Ang nakulekta namang mga patay na isda ay dinala sa Material Recovery Facilities para sa proper disposal.