PORMAL nang nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 94 na nagtatakda ng pagbuo ng isang Independent Commission for Infrastructure na tututok sa imbestigasyon sa Flood Control at iba pang Infrastructure Projects.
Nakasaad sa EO na ang binuong komisyon ay bubusisi sa mga iregularidad at misuse of funds sa mga proyekto ng gobyerno sa nakalipas na 10 taon.
Sakop ng kapangyarihan ng Independent Commission ang pagsasagawa ng imbestigasyon, pag-issue ng subpoena, at pagrerekomenda ng preventive suspension at isasampang kaso laban sa mga mapapatunayang sangkot sa anomalya.
Sa ilalim ng Section 1 ng EO, ang Independent Commission ay bubuuin ng isang chairperson at dalawang (2) miyembro.
Ang mga bubuo ng komisyon ay makatatanggap ng per diems at allowances sa ilalim ng umiiral na batas.




