29 December 2025
Calbayog City
Province

Chinese National, nagbaril sa sarili habang inaaresto ng mga awtoridad sa Pampanga

BI Chinese suspects – 1

PATAY ang isang Chinese National na miyembro ng kidnap gang matapos magbaril sa sarili habang inaaresto ng mga otoridad sa Pampanga.

Ayon sa Bureau of Immigration (BI), nangyari ang insidente sa loob ng condominium building sa Angeles City.

Sinalakay ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit ng BI ang lugar para arestuhin ang tatlong dayuhang suspek dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Laws.

Pero sa halip na sumuko, tumakas ang mga dayuhan kaya nauwi pa sa habulan ang operasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).