14 November 2025
Calbayog City
National

China, dapat managot sa pagkasira ng Coral Reefs sa Pag-asa Island

IKINABAHALA ng National Task Force for the West Philippine Sea ang ulat na Environmental Damage sa bahagi ng Pag-asa Island dahil sa presensya ng barko ng China malapit sa Pag-asa Reef 1.

Ayon sa pahayag ng Task Force, noong June 7 ay namataan sa mababaw na bahagi ng Pag-asa Island ang Chinese Vessel na mayroong Bow Number 16868 at nanatili ito sa lugar na iyon sa loob ng tatlong oras.

Bagaman hindi direktang sumadsad sa Coral Reef ang barko, ang Anchoring Activity nito sa lugar ay nagdulot ng pinsala sa mga bahura sa lugar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).