11 July 2025
Calbayog City
National

Certified investments, pumalo sa 4.6 trillion pesos, hanggang noong Pebrero, ayon kay Pangulong Marcos

IPINAGMALAKI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pumalo sa mahigit 4.6 trillion pesos ang strategic investments sa bansa, as of February 2025.

Sa kanyang talumpati sa Gawad Bayanihan sa pamumuhunan milestone event sa Malakanyang, ibinida ng Pangulo ang halos 190 strategic investments sa iba’t ibang sektor.

Kabilang aniya rito ang renewable energy, digital infrastructure, food security, at manufacturing, na may kabuuang investment value na mahigit 4.6 trillion pesos.

Inihayag ng punong ehekutibo na target ng kanyang administrasyon na lumikha ng business landscape kung saan kapwa maaring umunlad ang local at foreign investors.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.