Humingi ng paumanhin ang Chief Executive Officer ng Singapore Airlines na si Goh Choon Phong sa lahat ng mga naapektuhan ng London to Singapore flight na nakaranas ng severe turbulence.
Isa ang nasawi sa naturang insidente na kinilalang si Geoff Kitchen, 73 years old, na hinihinalang inatake sa puso.
Pitumpu’t isang pasahero na nasugatan ang nilapatan ng lunas sa Bangkok, Thailand, kung saan nag-emergency landing ang eroplano.
Kabilang sa mga sugatan ang anim na indibidwal na nasa kritikal na kondisyon.