NAGPAHAYAG ng kani-kanilang pagkabahala at umapela ng panalangin ang mga Cebuano celebrities at beauty queens, matapos yanigin ng Magnitude 6.9 na lindol ang buong lalawigan pati na ang Visayas Region.
Kabilang sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados at Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa mga unang nag-post sa social media kasunod ng lindol.
Naglabas din ang Miss Universe Philippine Organization ng Statement na nagpapahayag ng pagkakaisa, at pakikisimpatya sa mga naapektuhang komunidad.
Samantala, tiniyak naman ng Cebu-Based actress na si Kaye Abad sa kanyang followers na okay sila ng kanyang mga anak na narito sa Manila, gayundin ang kanyang pamilya na nasa Cebu.
Ang aktres naman na si Kim Chiu na nagsu-shooting para sa isang Project nang tumama ang lindol, ay nagbahagi ng Lighthearted post sa pamamagitan ng Groufie, na aniya ay medyo Blurred dahil tila may Aftershock pa ng lindol ang kanyang Phone.