PERSONAL na dumalo si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Final Public Briefing na ipinatawag ng Sangguniang Panlungsod, kahapon, sa RSU-Socio Cultural Center, Northwest Samar State University.
Isinagawa ang Hearing para pormal na tugunan ang hiling kay Mayor Mon na ipawalang bisa ang Resolution No. 202E-16-139, na inadopt noong May 24, 2023.
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Inendorso dati ang resolusyon para sa Development ng Gemini Wind Power Project, kabilang ang Preliminary Wind Energy Studies, gaya ng Installation ng Temporary Meteorological Masts ng Gemini Wind Energy Corporation at Affiliated nito.
Binigyang diin ng presensya ni Mayor Mon ang Commitment ng kanyang administrasyon sa Transparency, Environmental Responsibility, at Inclusive Governance.
Sa pamamagitan ng sesyon ay nagkaroon ng Open Dialogue ang City officials, stakeholders, at Concerned citizens kaugnay sa mga implikasyon ng resolusyon at kinabukasan ng Renewable Energy Initiatives sa Calbayog.
