Napanalunan ni Jannik Sinner ng Italy ang US Open Men’s Singles title sa score na 6-3, 6-4, 7-5 laban sa American no. 12 seed na si Taylor Fritz sa New York.
Ito ang ang ikalawang grand slam title si Sinner ngayong taon matapos masungkit ang Australian open noong Enero.
Bilang karagdagan sa napanalunang dalawang grand slam titles sa kanyang karera ngayong taon, umabot din ang bente tres anyos na si Sinner sa semifinals sa French Open.
Umakyat na sa labing isa ang sunod-sunod na panalo ni Sinner at mayroong 55-5 record ngayong 2024, kabilang ang anim na tournament titles.