7 February 2025
Calbayog City
Business

Reserbang dolyar ng Pilipinas, sumampa sa pinakamataas nitong lebel sa nakalipas na mahigit 2 taon

foreign exchange reserves bangko sentral ng pilipinas

Naitala sa pinakamataas nitong lebel ang Foreign Exchange Reserves ng bansa sa nakalipas na mahigit dalawang taon.

Sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat ang Gross  Dollar Reserves ng 0.18 percent o sa 106.92 billion dollars, hanggang noong katapusan ng Agosto.

Kumpara  ito sa 106.74 billion dollars na naitala  hanggang noong katapusan ng Hulyo.

Ayon sa Central Bank, ang month-on-month increase sa Gross International Reserves (GIR) ay repleksyon ng lumaking kita ng BSP sa mga investment sa ibang bansa.

Pinakamataas ang dollar reserves noong Agosto sa loob ng dalawampu’t siyam na buwan o simula noong naitala ang 107.3 billion dollars noong March 2022.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.