KUMPIYANSA ang alyansa para sa Bagong Pilipinas ng Administrasyon na makukuha ang suporta ng mga botante mula sa Leyte para sa nalalapit na halalan, dahil balwarte ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Visayas.
Sa grand rally sa Plaza Libertad, sa Tacloban City, libu-libong supporters ang nagtipon-tipon noong Biyernes ng gabi, kung saan inilatag ng mga kandidato ng alyansa ang kani-kanilang mga plataporma na salig sa “Bagong Pilipinas” agenda, na nakatutok sa economic growth, infrastructure, at social welfare programs.
4 katao, patay sa vehicular accident sa Samar
Responders at emergency teams, pinapurihan sa kanilang dedikasyon sa isinagawang training sa Calbayog City
LandBank, palalawakin ang kanilang serbisyo sa Eastern Visayas
Mahigit 200 na pamilya sa Eastern Samar, lumikas bunsod ng pagbaha na dala ng Shear Line
Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang rally, kasama ang siyam mula sa labindalawang kandidato sa pagka-senador na ini-endorso ng administrasyon.
Sa press briefing, nagpahayag ng tiwala si Navotas City Rep. Toby Tiangco, Campaign Manager ng alyansa, na muli nilang makukuha ang malakas na suporta ng mga taga-Leyte para sa senate slate ng Marcos administration.
