HINIRANG ni pope francis si caloocan bishop pablo virgilio david bilang cardinal ng Simbahang Katolika sa Disyembre.
Ayon sa Vatican, si David na siya ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay kabilang sa dalawampu’t isang mga kardinal na iluloklok sa Dec. 8, 2024.
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Ang mga kardinal na ikalawa lamang sa Santo Papa sa hierarchy, ay ang nagsisilbing pinakamalalapit na tagapayo ng pinakamataas na lider ng simbahan.
Si David na binotong CBCP President noong 2021 at na-reelect noong 2023, ay vocal critic ng madugong anti-drugs campaign at red-tagging ng nakalipas na Duterte Administration.
Na-ordinahan si David bilang pari sa Archdiocese of San Fernando noong 1983, at itinalaga bilang Auxiliary Archbishop sa kaparehong Archdiocese noong 2006, at inilipat sa Caloocan Diocese noong January 2016.
