TATANGGAPIN ng comelec ang Certificate Of Candidacy (COC) ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo para sa Halalan 2025, subalit maari pa rin siyang ma-disqualify kung hindi siya makakukuha ng Temporary Restraining Order (TRO).
Sa media briefing, tinukoy ni Comelec Chairman George Garcia ang grounds for disqualification, gaya ng deklarasyon ng nuisance candidate, petisyon na nagkakansela sa COC bunsod ng edad at citizenship, at desisyon ng ombudsman na ipatupad ang perpetual disqualification mula sa panunungkulan sa public office.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Una nang inihayag ni Comelec Spokesman John Rex Laudiangco na walang kapangyarihan ang poll body na otomatik na kanselahin ang COC ni Guo, dahil nakadepende sila sa desisyon ng ombudsman.
Noong biyernes ay inihayag ni Stephen David, legal counsel ni Guo, na magsusumite ang dismissed mayor ng COC nito sa huling araw ng paghahain ng kandidatura, bukas.
Si Guo na kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail Female Dormitory ay nahaharap sa patong-patong na kaso, kabilang ang graft, qualified human trafficking, money laundering, at tax evasion dahil sa pagkakasangkot niya sa iligal na operasyon ng POGO sa Bamban.
