PINASINAYAAN ng Manila Water Non-East Zone na nag-o-operate sa Calbayog City ang kanilang Septage Treatment Facility, sa Barangay Dinagan.
Ang event ay dinaluhan ng matataas na opisyal ng Manila Water Philippines Ventures sa pangunguna ni Melvin John Tan, Chief Operating Officer; at Roberto Vasquez, Regional Operations Group Director for Visayas and Mindanao.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Dumalo rin sa okasyon si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, na nagpahayag ng matibay na suporta sa naturang hakbang.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Mon na ang pasilidad ay senyales ng malaking hakbang sa pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng mga Calbayognon.
Binigyang diin sa naturang inagurasyon ang matatag na kolaborasyon sa pagitan ng Public at Private Sectors.
