Bukas na sa publiko ang Calbayog Pasalubong Center kung saan matatagpuan ang mga produkto mula sa local Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) ng Calbayog City at 1st District of Samar Producers Cooperative.
Una nang pinasinayaan, noong nakaraang linggo, ang two-storey building na inilaan para ipakita ang mga lokal na produkto sa ilalim ng One Town One Product (OTOP) program na pinasimulan ng Department of Trade and Industry.
Matatagpuan sa ground floor ang iba’t ibang food items habang nasa ikalawang palapag naman ang non-food items, o mga likhang-kamay ng local artisans.
ALSO READ:
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
