Naghahanda na ang Calbayog City para sa pinakahihintay na paglulunsad ng One Town, One Product (OTOP) pasalubong center ngayong Pebrero.
Sa pulong na pinangunahan nina Mayor Raymund “Monmon” Uy, Vice Mayor Rex Daguman, at iba pang key stakeholders, pinag-usapan ang mga plano para sa matagumpay na paglulunsad ng naturang proyekto kung saan itatampok ang magagandang habi na likha ng mga lokal.
Inaasahang magsisilbing repleksyon ang OTOP pasalubong center ng masiglang tradisyon ng lungsod, at magdudulot ng oportunidad para sa local businesses at magbibigay ng kakaibang karanasan sa mga residente at panauhin.