TUMANGGAP si Mayor Raymund “Monmon” Uy ng dalawang prestihiyosong award, sa Samar State University Convention Center sa Catbalogan City.
Iginawad ang awards, kahapon, sa 2024 Susgaranan Ceremony na pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Samar Provincial Operations Office.
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Ang tema ng seremonya ay “Pagkilala han mga Landaw han Maupay nga Pangobyernohan”.
Ang mga naturang award ay bilang pagkilala sa natatanging performance ng Calbayog City sa pagpapanatili ng Peace and Order at paglaban sa iligal na droga.
Nakakuha ang lungsod ng 75 percent na score sa 2023 Peace and Order Council Performance Audit, dahilan kaya nag-qualify ito sa para sa National Recognition.
Ang ikalawang plaque naman ay para sa epektibong Anti-Illegal Drug Campaign, dahilan para bigyan ang Calbayog City ng “high functional” rating sa 2023 Anti-Drug Abuse Council Audit.
