PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 21st Pedicab Driver Day, kung saan kinilala ang dedikasyon at katatagan ng mga pedicab driver sa lungsod.
Sa Event na may temang “Para Harayo sa Aksidente, Pedicab Driver Pirmi Maghihirot sa Byahe,” binigyang diin ang kahalagahan ng kaligatasan sa kalsada at pagiging alerto sa araw-araw na biyahe.
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Itinampok sa selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad, kabilang na ang karera ng mga pedicab, Sack Race, Sexy Walk, at iba pang mga palaro.
Ang Calbayog City Pedicab Drivers Association ay binubuo ng 16 Affiliated groups at kabuuang 531 members.
Bilang pasasalamat at pagkilala, pinagkalooban ni Mayor Mon ng tig-3,000 pesos ang dalawampu’t dalawang pedicab drivers dahil kanilang katapatan at integridad.
Bawat miyembro naman ng asosasyon ay tumanggap ng isanlibong piso bilang suporta sa kanilang patuloy na pagseserbisyo sa komunidad.
