INILUNSAD ng Provincial Government ng Biliran ang Cash-for-Work Program para tulungan ang mga magsasaka ng bigas na naapektuhan ng Bagyong Opong ang kanilang sakahan.
Layunin ng programa na magkatuwang na ipinatupad ng Provincial Agricultural Office at Provincial Social Welfare and Development Office, na tulungan ang mga magsasaka na maibalik ang kanilang nasirang irigasyon habang binibigyan sila ng Temporary Income Support.
Maharlika Falls sa Eastern Samar, isinusulong para maging premier ecotourism destination
Environmental impact ng ‘Unity Roads’ sa Samar, tiniyak na maliit lang
Unity Road Project, paglalaanan ng malaking pondo sa loob ng 2 taon
Panukalang Samar Island Connectivity Road Project, tinalakay sa Office of the Executive Secretary
Sinabi ni Governor Rogelio Espina na mahalaga ang naturang hakbang upang maprotektahan ang mga aning palay ng lalawigan at matiyak ang kabuhayan ng mga apektadong magsasaka.
Idinagdag ng gobernador na importanteng maisaayos agad ang irigasyon, dahil aabot ng hanggang 170,146 bags ng palay ang kayang i-produce ng naapektuhang sakahan, na sapat para sa pagkain ng 37,213 katao sa loob ng isang taon.
