18 November 2025
Calbayog City
Local

Calbayog City, kinilala ang pedicab drivers sa pagdiriwang ng kanilang ika-21 anibersaryo

PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 21st Pedicab Driver Day, kung saan kinilala ang dedikasyon at katatagan ng mga pedicab driver sa lungsod.

Sa Event na may temang “Para Harayo sa Aksidente, Pedicab Driver Pirmi Maghihirot sa Byahe,” binigyang diin ang kahalagahan ng kaligatasan sa kalsada at pagiging alerto sa araw-araw na biyahe.

Itinampok sa selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad, kabilang na ang karera ng mga pedicab, Sack Race, Sexy Walk, at iba pang mga palaro.

Ang Calbayog City Pedicab Drivers Association ay binubuo ng 16 Affiliated groups at kabuuang 531 members.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).