OPISYAL nang sinimulan na ng Calbayog City Local Government Unit, sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST) Samar Provincial Science and Technology (PSTO), ang kanilang planning workshop.
Magtatapos ang tatlong araw na aktibidad, bukas, pagkatapos ng holiday break ngayong Miyerkules.
Isinagawa ang workshop para bumalangkas ng komprehensibong roadmap upang gawing Smart and Sustainable City ang Calbayog.
Ang aktibidad na pinangunahan ng LGU Calbayog at PSTO-Samar, ay bahagi ng capability-building component para sa implementasyon ng Smart Calbayog City Project.
Layunin ng Smart City Project ng DOST na gamitin ang kapangyarihan ng teknolohiya at inobasyon upang bumuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan, maisulong ang paglago ng ekonomiya, at mapangalagaan ang kalikasan.