ARESTADO na ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng bag ni COMELEC Chairman George Garcia sa loob ng isang restaurant sa Pasay City noong Martes.
Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang suspek sa alyas na “Hazel,” apatnapu’t apat na taong gulang, at nasakote sa Barangay Zapote sa Las Piñas City kahapon, sa pamamagitan ng follow-up at backtracking operation.
Narekober naman ng mga awtoridad ang bag ni Garcia na naglalaman ng mga ID at isang mobile phone, na tinangay ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Salisi Gang.
Gayunman, wala na ang pera na tinatayang nagkakahalaga ng sampung libong piso.
Nangyari ang insidente habang naghihintay ng order ang biktima at dumating ang mga suspek sa restaurant na nagpanggap bilang mga customer.




