14 October 2025
Calbayog City
National

Ill-gotten Wealth Case ng mga Marcos, ibinasura ng sandiganbayan bunsod ng kawalan ng aksyon ng prosekusyon

IBINASURA ng sandiganbayan ang 5-million peso Ill-gotten Case laban kay yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. At asawa nitong si Imelda, bunsod ng hindi maipaliwanag na kawalan ng aksyon ng prosekusyon sa mga nakalipas na dekada.

Sa labindalawang pahinang resolusyon, dinismis ng Anti-Graft Court ang naturang kaso sa ilalim ng Civil Case 0032 bunsod na kawalan ng gana ng state prosecutor na isulong ang kaso simula noong 1994.

Sa nabanggit na Civil Case, inakusahan ang mag-asawang Marcos at isang Fernando Timbol na iligal na nag-may-ari ng mga sasakyan at household appliances na dapat ay ibinalik sa gobyerno.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).