Inanunsyo ng COMELEC na may kasama nang larawan ng botante ang voters’ list na ipapaskil sa mga polling precinct sa May 2025 Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ang nasabing hakbang ay upang mas mapadali ang paghahanap ng mga botante ng kanilang presinto.
Sa mga nakalipas na halalan, tanging book of voters na hawak ng electoral boards sa polling precincts ang mayroong picture ng mga botante, habang pangalan lamang ang nakatala sa computerized voters’ list na nakapaskil sa labas ng mga presinto.
Sinabi ni Garcia na bukod sa bagong posted computerized voters’ list, mananatiling accessible sa publiko ang precinct finder sa pamamagitan ng COMELEC website upang matulungan ang mga botante na mahanap kung saan sila boboto.