5 July 2025
Calbayog City
Sports

Pinay gymnast  Haylee  Garcia, nakasungkit ng dalawang silver medals sa Texas

NAKASUNGKIT ng Filipina gymnast na si Haylee Garcia ang dalawang silver medals sa 2025 WOGA Classic Gym 2 Tournament na ginanap sa Frisco, Texas, sa Amerika.

Nakapagtala  ang Pinay teenager ng 9.350 points sa uneven bars at 8.900 points sa balance beam apparatus, sapat para mag-uwi ito ng pilak na medalya sa dalawang events.

Nagtapos din siya sa ika-limang pwesto sa junior b women’s all around event sa naipon niyang 34.800 points.

Bago ang sinalihang patimpalak sa Texas, nanalo si garcia ng limang gintong medalya sa 2024 Batang Pinoy Tournament sa individual all-around, balance beam, floor exercise,  uneven bars, at vault, bilang kinatawan ng Pasig City.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).