NANAWAGAN si Immigration Commissioner Joel Anthony Viado sa Kongreso na pag-aralan ang pagpapataw ng parusa sa mga Pilipino na iligal na lumalabas ng bansa.
Kasunod ito ng ulat na limampu’t apat na human trafficking victims ang ni-repatriate mula sa Myanmar kamakailan, ang posibleng gumamit ng “Backdoor” exit.
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Sinabi ni Viado na dahil walang partikular na batas na nagpaparusa sa illegal departures, ang mga kaso ay bumabagsak lamang sa ilalim ng related violations, gaya ng Falsification of Public Documents o Tampering under the Philippine Passport Act.
Binigyang diin ng Immigration chief na ang pagpapataw ng parusa sa illegal exits ay magsisilbing malakas na pang-taboy sa mga traffickers at mag-aatubili ang mga biktima na tumanggap ng alok nang basta-basta.
