UMABOT na sa tatlumpu’t apat na insidente ng vote-buying, vote-selling, at Abuse of State Resources (ASR) ang na naitala ng COMELEC kaugnay ng nalalapit na eleksyon sa Mayo.
Sa naturang bilang, dalawampu’t tatlo ang may kinalaman sa vote-buying at vote-selling habang labing isang ang ASR.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Ayon kay COMELEC Commissioner Ernesto Maceda Jr., Chairperson ng Committee on “Kontra Bigay,” inihain ang reports sa kanilang punong tanggapan sa Intramuros sa Maynila.
Noong 2022 Presidential Elections ay tumanggap ang Poll Body ng kabuuang 1,226 vote-buying reports.
375 na kaparehong mga kaso ang tinanggap din ng COMELEC noong 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, na ang karamihan ay mula sa National Capital Region.
