NALAGPASAN ng Bureau of Customs sa ikatlong sunod na buwan ang kanilang collection target noong Marso.
Sa statement, sinabi ng BOC na umabot sa 75.429 billion pesos ang kanilang koleksyon noong nakaraang buwan.
Mas mataas ito ng 3.45 percent kumpara sa kanilang target na 72.910 billion pesos para sa buwan ng Marso.
Dahil dito, lumobo ng 2.6 percent o 5.557 billion pesos ang koleksyon ng customs sa unang tatlong buwan ng 2024, mula sa 213.829 billion pesos na revenues na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.