Suportado ng Department of Finance ang pagpapatayo ng Bulacan Special Economic Zone at Freeport o BuZ sa tabi ng isinasagawang airport ng San Miguel Corporation.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, wala silang nakikitang disadvantage sa Senate Bill 2572 na naglalayong itayo ang BuZ sa tabi ng New Manila International Airport sa Bulacan.
Dagdag pa ni Recto, ang BuZ ang pinakamalaking ecozone sa bansa na magbubukas sa libu-libong ektarya kung saan wala ni-isang buwis ang masasayang.