NAKAPAGTALA ang government agencies ng budget utilization rate na 42.2% noong Enero.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mas mababa ito kumpara sa 78% na nai-record sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
ALSO READ:
Sa Notice of Cash Allocations (NCAs) utilization report, sinabi ng Budget Department na nagamit ng mga ahensya ang kabuuang 136.29 billion pesos sa unang buwan ng 2026.
Mula ito sa 322.67 billion pesos na halaga ng NCAs na ni-release noong Enero.
Naitala naman sa 186.38 billion pesos ang unused o hindi nagamit na NCAs, hanggang noong katapusan ng Enero.



