13 March 2025
Calbayog City
Business

Budget gap, lumawak sa 643 billion pesos sa unang pitong buwan ng taon

NAKAPAGTALA ang pamahalaan ng mataas na budget deficit na 643 billion pesos simula Enero hanggang Hulyo, kahit mas mataas ang naging paglago ng revenue collections kumpara sa gastos ng gobyerno.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, mas mataas ito ng 7.2 percent kumpara sa 599.5 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Batay sa datos, ang total revenue collection hanggang noong katapusan ng Hulyo ay lumobo ng halos 15 percent o sa 2.61 trillion pesos mula sa 2.27 trillion noong nakaraang taon.

Samantala, ang government spending sa loob ng pitong buwan ay tumaas din ng 13.2 percent  o sa 3.25 trillion pesos.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.