7 February 2025
Calbayog City
Business

Budget Deficit noong Setyembre, lumobo sa mahigit 273 Billion Pesos

LUMOBO  sa 273.3  Billion Pesos ang budget  deficit ng pamahalaan noong Setyembre, matapos lumaki ang gastos kumpara sa nakolektang kita, ayon sa Bureau of Treasury.

Mas mataas ito kumpara  sa 54.2 Billion Pesos  na shortfall noong Agosto, pati na sa 250.9  Billion Pesos na naitala noong September 2023.

Dahil  dito, umabot  na sa 970.2 Billion Pesos ang Budget Deficit simula  Enero hanggang Setyembre  ngayong taon, na mas mababa naman kumpara sa 1.07 Trillion Pesos  na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang  September Deficit ay katumbas ng 65.36 percent ng full-year revised target na 1.5 Trillion Pesos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).