Tuloy na sa Nov. 22 at 23, araw ng Biyernes at Sabado, ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Samar na gaganapin sa Calbayog City.
Una nang ipinagpaliban ang BPSF Samar na orihinal na itinakda noong Nov. 16 hanggang 17, kasunod ng ipinalabas na guidance ng Office of the Civil Defense Region 8, upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa banta ng bagyong Pepito.
Una nang sinabi ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy na itatampok sa BPSF ang Serbisyo Caravan na may partisipasyon ng labinsiyam na national agencies, sa pakikipagtulungan ng Tingog Party-list at ibang local offices.
Layunin ng event na maihatid ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno at direktang ayuda sa mga residente ng Calbayog.
Inihayag naman ni Vice Mayor Rex Daguman na inaasahang aabot sa 23,000 beneficiaries mula sa lungsod ang makikinabang sa iba’t ibang financial assistance program, pati na iba pang essential services.