Kabuuang 295,576 families ang naapektuhan ng tatlong magkakasunod na bagyo na humagupit sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa pinakahuling update ng ahensya, naapektuhan ng mga bagyong Nika, Ofel, at Pepito, ang mga residenteng nakatira sa 3,358 barangays mula sa anim na rehiyon.
Ang mga apektadong pamilya ay katumbas ng 1,145,492 individuals mula sa regions 1, 2, 3, Mimaropa, Region 5, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa kasalukuyan, 104,830 families o 446,177 individuals ang nananatili sa 2,717 evacuation centers habang 66,681 families o 238,894 individuals ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kaanak o kaibigan.