5 July 2025
Calbayog City
Local

Borongan City, nagdeklara ng pork holiday bunsod ng ASF outbreak

NAGDEKLARA ang Pamahalaang Lungsod ng Borongan sa Eastern Samar ng labinlimang araw na pork holiday upang mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ito’y matapos magpositibo sa virus ang tatlong samples na nakolekta mula sa piggery na pag-aari ng Eastern Samar State University sa Barangay Maypangdan.

Sa ilalim ng executive order, sinuspinde ng local government ang pork-related activities hanggang April 18, habang naglatag ng checkpoints sa Northern at Southern Borders, kasunod ng detection sa ASF cases.

Sinabi ni Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda na maliban sa personal consumption, mahigpit na ipinagbabawal ang pagkatay ng mga baboy.

Hindi aniya pinapayagan ang palengke, supermarkets, meat stalls sa mga barangay, meat shops, at mga ihawan na magbenta ng sariwang karne ng baboy at lechon baboy sa nabanggit na petsa.

Bawal din ang pagtitinda ng frozen, hilaw, at nilutong pork chorizo at pork longganisa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).