KONTROLADO na ang iniulat na outbreak ng Avian Influenza o Bird Flu sa isang poultry farm sa Leyte.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, ito’y matapos katayin ang mahigit limampung libong mga manok sa lugar.
Sinabi ni De Mesa na naipabatid na ng ahensya sa World Organization for Animal Health ang resulta ng laboratory testing, matapos makumpirma noong March 19 na positibo sa H5N1 Avian Influenza ang mga manok sa poultry farm.
Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture ang importasyon ng birds and poultry products mula sa iba’t ibang bansa, gaya ng Japan, Belgium, at France bunsod ng H5N1 Outbreaks.