UMAKYAT na sa dalawampu’t walo ang bilang ng police commanders na iniimbestigahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa mga kapabayaan at paglabag na nadiskubre sa isinagawang surprise inspection.
Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, isinasailalim sa imbestigasyon ang mga commander na nakatalaga sa Police Community Precincts at Substations na may mga ranggong police major at police captain, bunsod ng umano’y kabiguan nilang pamunuan ng maayos ang kanilang personnel.
Mula sa 28, siyam ang subjects sa Administrative Relief na may pending clearance mula sa COMELEC, matapos mabigong maipaliwanag ang inabandonang Police Assistance Desks.
Sinabi ni Aberin na kabilang sa mga ni-relieve na opisyal ay mula sa Manila Police District at Northern Police District.