15 January 2026
Calbayog City
National

Bilang ng mga Pinoy na nakararanas ng gutom bumaba ayon sa SWS

NABAWASAN ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakararanas ng kagutuman batay sa latest survey ng Social Weather Stations.

Sa 2025 4th quarter survey ng SWS na ginawa mula November 24 hanggang 30, mayroong 20.1 percent ng pamilyang Pinoy ang nagsabing nakaranas sila ng Involuntary Hunger noong Nobyembre.

Ito ay 1.9 percent na mas mababa kumpara sa 22 percent na naitala noong September 2025. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.