MAYROON pang mahigit 2,400 na pamilya o katumbas ng halos 8,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Kanlaon.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang nasabing bilang ng mga pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa mga apektadong lalawigan sa Regions VI at VII.
ALSO READ:
Manay, Davao Oriental, niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol
Retrieval sa mga labi ng 6 na crew ng Air Force chopper sa Agusan Del Sur, natapos na
Helicopter ng Philippine Air Force, bumagsak sa Agusan Del Sur
Manjuyod at Bais City sa Negros Oriental, isinailalim sa State of Calamity bunsod ng Wastewater Spill
Mayroon ding mahigit 12,000 na katao ang pansamantalang nanirahan sa kanilang mga kaanak.
Sa kabuuan mayroong mahigit 23,000 na pamilya ang naapektuhan na ng pagputok ng bulkan.
Nakapagtala din ng mahigit 5,000 bahay na partially damaged.
Ayon sa DSWD, nakapaglaan na ito ng mahigit P172 million na halaga ng Humanitarian Assistance sa mga apektadong pamilya.
