20 June 2025
Calbayog City
Metro

18 elevators sa anim na EDSA Busway Stations, gumagana na, ayon sa DOTr

INANUNSYO ng Department of Transportation (DOTr) na gumagana na ang labing walong elevators sa anim na istasyon ng EDSA Busway o Edsa Carousel Bus Rapid Transit System.

Inihayag ng ahensya sa kanilang social media accounts na nagsagawa ng inspeksyon si DOTr Secretary Vince Dizon sa Balintawak Station ng EDSA Busway upang matiyak na gumagana ang elevator.

Sinabi ng DOTr na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na tiyakin ang maginhawa at accessible na pampublikong transportasyon, lalo na sa mga senior citizen, buntis, at persons with disability.

Ang anim na busway stations na gumagana ang elevators ay kinabibilangan ng Monumento, Bagong Barrio, Balintawak, SM North, Philam, at Guadalupe.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).