13 November 2025
Calbayog City
Province

Bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon, mahigit 23,000 na

MAYROON pang mahigit 2,400 na pamilya o katumbas ng halos 8,000 katao ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Kanlaon.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, ang nasabing bilang ng mga pamilya ay pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa mga apektadong lalawigan sa Regions VI at VII.

Mayroon ding mahigit 12,000 na katao ang pansamantalang nanirahan sa kanilang mga kaanak.

Sa kabuuan mayroong mahigit 23,000 na pamilya ang naapektuhan na ng pagputok ng bulkan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).