NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ang dalawampu’t anim na mga bagong kaso ng firecracker-related injuries.
Bunsod nito, umakyat na sa animnapu’t siyam ang kabuuang bilang ng mga nasugatan dahil sa mga paputok, sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinimulan ng DOH ang pagtatala ng firecracker-related injuries noong Dec. 22.
Ayon sa ahensya, limamampu’t walo sa mga nasugatan ay labinsiyam na taong gulang pababa, habang ang mga natitira ay dalawampung taong gulang pataas.
Karamihan pa rin sa mga gumagamit at biktima ng mga paputok ay mga bata at menor de edad.